Monday, October 13, 2008

Mga Uri ng Kuwento

1.) Kuwentong Bayan
Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

2.)Alamat
Ang alamat ay isang uri ng kuwento na nagsasalaysay tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

3.)Pabula
Ang pabula ay maikling kwento na karaniwan at tungkol sa mga hayop na kapupulutan ng kabutihang asal.

4.)Maikling Kuwento
Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

+++MGA URI NG MAIKLING KUWENTO+++

  • Sa kwento ng tauhan inilalarawan an mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
-hal. paglalahad ng mga pag-uugali ng mga tauhan sa isang babasahin (karaniwang makikita sa librong naglalaman ng mga kuwentong gumagamit ng maraming tauhan)
  • Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
-hal. Suyuan sa Tubigan
  • Sa kwento ng pag-ibig ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na tauhan.
-hal. Ang Pag-iibigan nina Gina at Lorenzo

  • Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
-hal. Ang Mahiwagang Puno
  • Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
-hal. Gabi ng Lagim
  • Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
-hal. makikita sa babasahing gaya ng dula (hal...Sarimanok)

  • Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.
-hal. Ang Pusang Nahulog sa Balon

No comments: