Monday, October 13, 2008

Ang Mahiwagang Puno ni Anamarie De Guzman

Sa isang tahimik na baryo sa Aklan nagsimula ang istorya tungkol sa mahiwagang puno. May isang pamilyang naninirahan sa baryong ito na wala ng iba pang hiniling kundi makakain lamang sila ng sapat sa isang araw.Sampu silang magkakapatid kung kaya't hirap na hirap ang mga magulang nila na maghanap ng ipapakain sa kanila at ng maipangtutos nila sa araw-araw.

Isang araw napag-usapan ng mag-asawa na ipaampon na lamang ang iba nilang anak. Narinig ito ng panganay nilang anak na si Danny kaya't napagdesisyunan niyang gumawa ng paraan. Pagsapit ng umaga, napansin ng mag-asawa nawawala si Danny. Hinagilap nila si Danny kung saan saan ngunit sadyang hindi nila ito makita.

Maghahapon na ng may biglang kumatok sa bahay nila. "Danny, ikaw ba yan?" , ani Aling Dolores. Pagbukas niya ng pinto ay hindi ang inaasahang niyang si Danny ang natagpuan niya kundi ang kanilang kapitbahay na nagsasabing nadukot daw si Danny ng mga di kilalang tao.

Isang linggo na ang nakalipas ngunit di pa rin natagpuan ang nawawalang si Danny. Walang ginawa ang kanyang mga magulang lalung-lalo na si Aling Dolores kundi ang magdasal na makabalik pa si Danny. Pag labas ng bahay ni Aling Dolores para magwalis nakalanghap siya ng nakakasugasog na amoy sa likuran ng kanilang bahay dun natagpuang nakabaon ang bangkay ng kaawa-awang si Danny.

Pagkalipas ng ilang linggo, isang kakaibang klase ng puno ang tumubo sa mismong lugar na kinatagpuan ng bangkay ni Danny. Simula ng matagpuan ang punong ito ay nakaluwag sila sa buhay. Pinaniniwalaang dahil ito sa kagustuhan ni Danny na maiangat ang kanilang buhay.

1 comment:

lamanwadzinski said...

Harrah's Cherokee Casino & Hotel - MapYRO
Find the best Harrah's 피망 포커 Cherokee 성남 출장마사지 Casino & Hotel 수원 출장마사지 in Cherokee, NC near Murphy, 울산광역 출장안마 United States. 오산 출장안마 Cherokee (after Harrah's), Cherokee, NC, 80427.